Advertisers

Advertisers

P162m kush nasamsam sa yate sa Subic

0 2

Advertisers

NASAMSAM ng Bureau of Customs ang mahigit P162.2 milyong halaga ng “kush” sa isang yate sa Subic Bay Yacht Club, Subic Freeport.
Galing sa Kota Kinabalu, Malaysia at patungo sa Taiwan ang foreign sailing yacht na may sakay na mga Thai at Malaysian crew members. Pero dahil sa masamang lagay ng panahon, napilitang humingi ng emergency shelter at repair assistance sa Subic Bay Yacht Club ang nasabing yate.
Nakatanggap naman ng impormasyon ang mga awtoridad na pinaniniwalaang may kargang prohibited o contraband items ang vessel, kaya ininspeksyon ito.
Umabot sa 98.3 kilo ng kush ang nasamsam ng Bureau of Customs Port of Subic, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard, at Department of Justice. (Thony Arcenal)