Advertisers

Advertisers

SA USAPANG 2027 BUDGET, ERWIN TULFO ISINUSULONG NATIONAL INFRA MASTERPLAN KONTRA UNFINISHED, SUBSTANDARD NA MGA PROYEKTO

0 2

Advertisers

MULING nanawagan si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo para sa mabilis na pagpasa ng “Masterplan for Infrastructure and National Development (MIND) Act,” na naglalayong bumuo ng isang komprehensibong national masterplan para sa mga impraspraktura sa buong bansa.

Kasalukuyang nakabinbin ang naturang panukalang batas sa Senate Committee on Economic Affairs.

“Binunyag ng mga tuloy-tuloy na pag-ulan kung nasaan yung mga substandard na projects. Ang daming mga tulay at kalsada yung sira agad. Meron pang mga unfinished kasi yung Phase 1 napondohan tapos di na yung susunod,” pahayag ni Tulfo.

“Nag-aaksaya tayo ng pondo ng bayan sa mga public infrastructure projects na hindi naman napapakinabangan ng publiko. Lahat po iyan dahil lang sa kapabayaan sa pagpaplano,” aniya.

Binigyang-diin ng tagapangulo ng Blue Ribbon Committee na lalong nagiging mahalaga ang “MIND Act” ngayong sinisimulan na ng Mataas na Kapulungan ang talakayan ukol sa panukalang 2027 National Budget.

“Kailangan naming mag-triple time upang matukoy na at matapos ang mga nakatenggang proyekto. Para naman sa mga pino-propose pa lamang, dapat konektado sa plano hanggang sa local level” ani Tulfo.

Anang senador, dapat matibay at tuloy-tuloy ang pakinabang sa mga pampublikong impraspraktura.: “Ang mga proyektong impraspraktura dapat matagal mapakinabangan, kayang salagin yung extreme weather conditions, at dapat di nakabase sa kung sinong nakaupo sa pamahalaan.”

Matatandaang nauna nang nangako si Tulfo na pangungunahan niya ang isang pormal na imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga substandard na proyektong ibinunyag ng mga nakalipas na pag-ulan at pagbaha.