Advertisers

Advertisers

P366m kush nasabat sa yate sa Subic

0 4

Advertisers

UMAKYAT sa tinatayang P366.65 milyon ang kabuuang halaga ng high-end kush na nasabat sa isang yacht sa Subic, Zambales matapos madiskubre ng mga awtoridad ang karagdagang 123.91 kilo ng ilegal na droga.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC) Port of Subic, nakumpiska ang karagdagang 109 package ng kush na tinatayang nagkakahalaga ng P204.44 milyon sa patuloy na inspeksyon at stripping operation sa naturang sasakyang pandagat.
Dahil dito, umabot na sa 198 package ng high-end kush ang kabuuang nakumpiska sa yacht.
Samantala, sinabi ni BOC Port of Subic District Collector, Atty. Geniefelle Lagmay, na magpapatuloy ang kanilang masusing inspeksyon sa mga sasakyang pandagat upang matiyak na walang nakatagong ilegal na droga ang makalulusot sa bansa.
Binigyang-diin naman ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na bahagi ang operasyon ng pinaigting na border security at kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang kontrabando para sa kustodiya at kaukulang disposisyon alinsunod sa mga umiiral na proseso.
Patuloy ang imbestigasyon at iba pang enforcement measures ng BOC at mga katuwang na ahensya kaugnay ng insidente. (Bambi Purisima)