Advertisers
Ni Mercy Lejarde
Inamin ng multi-awarded actress na si Lotlot De Leon na matagal na siyang handa sakaling dumating ang araw na sabihin sa kanya ng anak niyang si Janine Gutierrez na magpapakasal na ito sa boyfriend nitong si Jericho Rosales.
Kamakailan lamang ay naging guest si Lotlot sa “Fast Talk with Boy Abunda,” kung saan napag-usapan nila ng King of Talk ang tungkol sa relasyon nina Janine at Jericho.
Tinanong ni Boy Abunda si Lotlot kung boto siya sa aktor.
“Boto ka kay Jericho Rosales?” tanong ni Boy.
Sagot naman ni Lotlot na may kasamang magandang ngiti, “Oh, I love him! I love him. Yes, very much. He’s such a wonderful man. Napakabait na tao.”
Naalala rin ni Lotlot ang unang pagkakataon na nakilala niya si Jericho bilang boyfriend ni Janine.
“Take me back to the very first time na pinakilala sa’yo si Echo as Janine’s boyfriend,” tanong ni Boy.
“Paano ba? I think we had dinner. I don’t really remember much, but I worked with him kasi sa teleserye. Si Janine was also in the teleserye, and then Echo was there. And then kami muna ni Echo magkakasama sa Atok, sa Benguet,” kuwento ni Lotlot.
Aniya, hindi niya noon inakala na si Jericho pala ang magiging bahagi ng kanilang pamilya.
“And then, siyempre, hindi ko naman iniisip na ito pala ang magiging Kapuso at kapamilya ng anak ko, ‘di ba? At namin. But, you know, he’s been nothing but wonderful to us,” dagdag niya.
Tinanong naman ni Boy kung sinabi ba mismo ni Jericho sa kanya na naging sila na ni Janine.
“Yeah,” sagot ni Lotlot.
Para kay Lotlot, nasa tamang edad na si Janine para gumawa ng sarili nitong mga desisyon sa buhay. Bilang ina, tiwala siya sa pagpapalaki niya sa kanyang mga anak at sa kakayahan ng mga ito na piliin kung ano ang pinakamabuti para sa kanilang sarili.
“Alam mo, Tito Boy, my daughter is of age. Hindi na rin kailangan magpaalam sa akin ni Janine. Kung ano man ang desisyon ng anak ko, I’d like to think that I raised my daughter with a good heart. Hopefully, she makes the best decisions for herself, and I trust her. I trust her very much,” pahayag niya.
Nang tanungin naman ni Boy kung handa na siya sakaling isang araw ay sabihin nina Janine at Jericho na magpapakasal na sila, mabilis at kumpiyansang sumagot si Lotlot.
“Ay, handa ako! Handa na ako doon. Matagal na!” ani Lotlot.
Dagdag pa niya, wala na raw siyang baby dahil malalaki na ang kanyang mga anak.
“Wala na akong baby. Kahit ‘yung youngest ko si Maxine, she’s what, 26 already?” pabirong sabi ni Lotlot.
Nang tanungin naman siya kung naghahanap na ba siya ng apo, diretsahan din ang kanyang sagot.
“Yeah,” nakangiting sagot niya.
Gayunman, nilinaw ni Lotlot na bagama’t excited siyang maging lola, nirerespeto niya ang anumang desisyong gagawin ng kanyang mga anak pagdating sa kanilang buhay at kinabukasan.
“But you know, whatever decisions they make, ‘yung mga anak ko, I respect. And as I said, I trust my children to make the best decisions for themselves,” pagtatapos niya.
Well, sure si yours truly na kapag nagkaanak sina Janine Gutierrez at ang aking my love na aktor na si Jericho Rosales, ay madadagdagan ang magaganda sa mundo.
——
Binigyan ng bagong tunog ng rising P-pop group na WRIVE ang rap/hiphop classic na “Sumayaw Ka” kasama ang singer at “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez.
Orihinal na isinulat at inawit ni Gloc-9 ang kanta na tungkol sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at pagpapatuloy kahit hindi madali ang mga pinagdaraanan. Ang bagong bersyon ay mula sa produksyon at arrangement nina Darren Cashwell at WRIVE member Russu.
Bago pa ang official release, naiparinig na ng WRIVE ang “Sumayaw Ka” sa iba’t ibang shows at events, kabilang ang first anniversary celebration ng grupo na “Unang Taon” noong Hulyo at Star Magic’s All-Star Games sa SM Mall of Asia Arena noong nakaraang buwan.
Patuloy rin ang pagpapasabik ng grupo sa paglabas ng kanta sa pamamagitan ng dance challenge sa social media, kung saan nakisabay ang iba’t ibang Kapamilya personalities.
Inilabas ng grupo ang kanilang self-titled debut album noong Enero na umani na ng mahigit 700,000 streams sa Spotify. Tampok dito ang mga awiting “Ooh La La,” “Senorita,” at “Panaginip Na Lang.”