Advertisers

Advertisers

EST Cola umusad sa PVL Invitational finals

0 15

Advertisers

WINALIS ng EST Cola ng Thailand ang Ho Chi Minh City, 25-19, 26-24, 26-24, Linggo sa Smart Araneta Coliseum para makapasok sa PVL Invitational Conference finals.



Natapos ng EST Cola ang preliminary round na may 4-1 na rekord para masiguro ang puwesto sa top two ng group standings.

Pinangunahan ni Papatchaya Phontham ang EST Cola na may 21 puntos, habang si Nannaphat Moonjakham ay may 18 puntos sa panalo ng Thai club.



Si Dang Thi Kim Thanh naman ang pinuno ng Vietnamese club na may 14 puntos habang nagtapos sila sa rekord na 1-4.

Maghihintay ang EST Cola sa resulta ng laban ng Creamline at PLDT para malaman kung sino ang magiging kalaban nila sa finals.