Gonzaga At Morada Family Happy At Thankful Kay Lord Sa Pagdating Ni Baby Morada; DJ Alvin Mahusay Mag-handle Ng TALA Group, Waging “Rising PPop Group of the Year” Sa Grand PPop Showcase Year 2
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Lahat ng pamilya Gonzaga at Morada ay masaya at very thankful kay Lord sa big blessing, na “baby” na ibinigay nito sa famous couple na sina Alex Gonzaga at Lipa Vice Mayor Mikee Morada.
Yes isinilang na nga ni Alex, noong nakaraang linggo sa St. Lukes Hospital ang panganay nilang baby boy ni Mikee. At sinagot talaga ng Diyos ang dasal ng mag-asawa, at parents na sina Mommy Pinty at daddy Bonoy at Ate Toni ni Alex na healthty si Baby Morada. At hindi lang ito malusog kundi cute at poging tsinito. Sabi kamukha raw ni VM Mikee ang baby pero for sure may nakuha rin ito sa kanyang Mommy Alex.
Noong nasa hospital pala si Alex at manganganak na ay buong pamilya niya ay nasa kanyang tabi. At isa sa pinaka excited ay si Toni na nagsuot pa ng visitor’s gown. At certified “Tata” na rin ngayon si Toni. Super happy naman ang feeling ni Mommy Pinty at Daddy Bonoy at sa wakas ay may apo na sila kay Alex at Mikee. Bale they have three grand children now. Dalawa kina Toni at Direk Paul at isa nga kay Alex.
Samantala mas lalong inspired na pumasok sa Kapitolyo ng Lipa Batangas si VM Mikee, para paglingkuran ang kanyang mga kinasasakupan. Pero excited rin siyang umuwi ng maaga para makapiling si Alex at ang kasisilang pa lang nilang baby.
For Alex, naman ay everyday life ay happy siya kasama ni Baby Morada and siyempre her husband Mikee. “I am so happy to be mommy kahit walang ligo,” caption post pa ni Alex sa kanyang official Facebook Fan Page, na as of presstime ay lomobo na sa 17 million ang followers. Congratulations Alex G!
***
Mahusay humawak ng talent, ang actor-host-producer na si DJ Alvin. Imagine, this year lang niya ini-launched ang TALA Group, pero sunod-sunod na ang shows ng said little Girl gruop na composed of 7 members-TALA Shanica, TALA Elyza, TALA Shassy, TALA Ayesha, TALA Raine, TALA Pearl, at si TALA Vida. Last August 30 ay nag-perform sila ng dalawang numbers sa successful first mall show ng alaga naming si Rozz Daniels sa Isetann Recto. At sa Mall Tour 2026 ni Rozz ay lahat guest ang TALA.
At tinalo rin ng said group ang kanilang mga nakalabang grupo sa nakaraang “GRAND PPOP SHOWCASE YEAR 2,” na ginanap sa Tanghalang Pasigueno sa Pasig, City.
Yes ipinagkaloob sa TALA ng mga Judges ang pinakamataas na award na “RISING PPOP GROUP OF THE YEAR” dahil sila ang nakakuha ng pinakamalaking boto sa social media voting at total highest ticket sales and the popularity of the group. Yes, wala na talagang makapipigil sa pag-angat at sikat ng career ng TALA. And their manager, Tito DJ Alvin, as well as all their parents are very, very proud of the achievements they have attained. Keep it up!
By the way, here’s the scheduled lists of TALA’ s upcoming shows:
September 12, 2026-Farmers Plaza Araneta, City from 2 PM onwards(guesting at Rozz Daniels Mall show)
September 19-Birthday Invitation from VIDA, 7 PM onwards September 19-PPop Fun Day, 1:00 PM onwards Victory Plaza Monumento, Caloocan September 20, 3:00 PM to 6:30 PM-Guesting for Rozz Daniels Mall show-Victory Plaza Monumento September 26-Lil Siren x TALA Collaboration at Viva Cafe Araneta, City October 3-Show SM Lipa Batangas, 10:00 AM onwards. Grabe, indemand talaga ang TALA Group ni DJ Alvin na may bagong alaga ang CHIKABABES. Abangan sila!