Advertisers

Advertisers

Jaya nahanap ang direksyon nang magbalik-loob sa Diyos

0 2

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Aminado ang Soul Diva na si Jaya na masalimuot ang naging buhay niya noon.

Pagkukumpisal pa niya, malungkot daw at traumatic ang kanyang childhood.

Lumaki raw siyang kimi noon at mababa ang confidence sa sarili.

Katunayan, madalas ay iniiwan daw siya ng namayapang ina na si Elizabeth Ramsey.

Lagi raw kasing abala noon ang ina sa pagtratrabaho.

Sa kanyang confession, ibinahagi rin niya ang mga bubog na naranasan in the past.

Hindi man niya idinetalye, naging biktima raw siya ng sexual abuse noon ng taong pinagkatiwalaan ng kanyang ina.

Hindi raw niya inilahad iyon para i-discredit ang alaala ng kanyang ina.

Hindi rin daw niya pinangarap na maging singer.

Ang nanay daw niya ang nag-push para sundan ang yapak ng beteranang singer at comedienne.

Naniniwala rin daw siya na ang trauma na kanyang pinagdaanan ang dahilan kaya naging magulo ang kanyang buhay.

Nagrebelde rin daw siya noon kaya iniwan niya ang ina nang tumira sila sa Tate.

Nawalan din daw siya noon ng anak.

Matagal din daw na hindi sila nag-usap kaya akala ng nanay at mga kapatid ay patay na siya.

Nag-surface na lang daw siya noon bilang singer na naging chartbuster ang awitin sa Billboard sa US kung saan nakilala siya bilang Jaya.

Nang bumalik daw siya sa ina at sa bansa, naging manager daw niya noon ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales na nagpakilala sa kanya kay Vic del Rosario, Jr.and the rest is history.

Sa kabila ng tagumpay na tinamasa, feeling daw niya noon na laging may kulang siyang hinahanap.

Iyon pala, ang sagot lang pala sa kanyang paghahanap ay ang Panginoon.

“Half-hearted ako sa lahat. Hindi ko naintindihan until ‘yun na nga. I didn’t know I needed God. Kasi at that time, before the small group, I was in search. I was looking at the book of Islam, I was looking for Buddhism, I was looking at all kinds of things.And I needed someone to hold on to me. Kasi hindi ko na nakukuha sa tao. And that’s when I realized, “Oh, may Bible pala na kakausapin ka ni Lord through the book.” Then when I started to read onto the words.I know it’s because of Him, that’s why I sing the way I sing. Wala akong pakialam sa mundo. Basta kung anong gagawin mo, okay lang ‘yan. So ang galing ni Lord mag-zigzag ng… ‘yung sa direction. Saan ka niya dadalhin para hindi matuloy ‘yung plano mo, cause His plans are better. Pero ang galing niya, because of what had happened to me, He gave me a true family that I can really have and call my own. Imagine mo ‘yun. Still adjusting and correcting my ways. But for one thing is sure, na parang kailangan ko laging tinatandaan na I am loved. And I am whole because of Him. I’m nothing without Him. Literal, I can go on a litany of things na alam kong sa Kanya lang lahat galing, sa Kanya at para sa Kanya. All for Him, all to Him, all because of Him. That’s it. I can’t describe anymore. Akala mo ‘yung pera, gaganda buhay mo? Actually, maraming nasirang buhay dahil sa pera, ‘di ba? Fame, hindi nila kinakaya. But I’m really, really positive that, yes, in my olden days, kung hindi man ako singer pa rin, most likely I’m a worship singer for church,” pahayag niya.