Advertisers
Ni Beth Gelena
Naantig ang maraming netizen sa ginawang pagtulong ni Isabelle Daza sa isang babaeng nakilala niya kamakailan.
Ayon sa ulat, nakilala ni Isabelle ang isang babaeng tinawag niyang Ate Catherine, na nagbebenta ng isang bagay na nais sana niyang bilhin bilang suporta.
Dahil wala siyang dalang cash, nagtanong si Isabelle kung maaari niyang bayaran si Catherine sa pamamagitan ng GCash o Maya. Ngunit dito niya nalaman na wala nang cellphone ang babae.
“Wala kang cellphone?” tanong ni Isabelle sa video.
Ani naman ng babae nasira ang kanyang cellphone matapos itong mahulog sa tubig-baha.
Dahil dito ay nagpasya ang celebrity mom na humanap ng paraan upang makatulong.
Kalaunan, binigyan niya si Catherine ng bagong cellphone.
Ibinahagi rin ni Isabelle sa Instagram ang kuwento tungkol sa kanilang pagkikita.
“This morning I wanted to buy and support ate Catherine but I didnt have cash on hand so I asked her if I could transfer to her via digital pay but she didnt have a cell phone,” aniya
Dagdag pa niya, “It fell into the floodwater…
Hinimok din niya ang kanyang supporters/followers na suportahan si Catherine sa pamamagitan ng mga binebenta nitong items.
Ibinahagi rin ng aktres na na-inspire siya sa social media personality na si Jimmy Darts, na kilala sa paggawa ng content tungkol sa pagtulong at pagbibigay sa mga nangangailangan.
Saad niya, “i’ve been so inspired recently watching @jimmydarts and I wanted to do the same for our kababayans.”
Naging posible rin ang pagtulong niya dahil sa suporta ng kanyang online community.
“Its all thanks to you guys that I am able to help and there is no better feeling in the world.”
Dahil dito, marami ang naantig sa simpleng kabutihang ipinakita ni Isabelle. Mula sa isang ordinaryong pagkikita at pagtatangkang bumili sa isang nagtitinda, nauwi ito sa isang pagkakataon para makatulong siya sa isang taong nawalan ng cellphone dahil sa baha.