Advertisers

Advertisers

Termite gang sangkot sa nakawan sa Cavite, arestado

0 2

Advertisers

Arestado ang apat na katao kabilang ang isang wanted person nang marekober mula sa kanilang pag iingat ang apat na baril, 17 bala, dalawang hand grenade at iba’t ibang kagamitan sa pagnanakaw sa isang Police operation sa Purok 6, Barangay Conchu, Trece Martires City, Cavite.
Ayon sa report, kinilala ang wanted person sa alyas na “Benjie”, na dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Robbery with Force Upon Things in an Uninhabited Place or in a Private Building sa ilalim ng Article 302 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng RA 10951.
Base sa nasabing warrant na inilabas ng MTCC Balanga City, Bataan noong nakaraang Setyembre 4, 2026, na may inirekomendang piyansa na P36,000.
Kinilala naman ang tatlong indibidwal na nakilalang sina alyas “Chris”, “Julz” at “Wen”, na umano’y naabutang may hawak ng mga armas at pampasabog.
Nasamsam sa rin sa mga ito ang isang .45 caliber pistol, isang 9mm pistol, dalawang .38 revolver, 17 bala at dalawang hand grenade pati na ang kagamitang maaaring gamitin sa pagnanakaw, kabilang ang hydraulic jack, pala, crowbar, sledgehammer at dalawang chisel.
Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, isinagawa ang operasyon matapos ang ilang buwang pagmamanman, casing at validation, katuwang ang isang confidential informant at mga concerned citizen.
Kabilang rin sa iniimbestigahan si Benjie at ang grupong iniuugnay sa kanya na tinatawag na “Termite-Robbery Group”, na sinasabing sangkot sa ilang insidente ng pagnanakaw sa CALABARZON at mga karatig probinsiya.
Bukod dito, iniuugnay rin sa grupo ang naganap robbery sa isang J&T Express establishment sa Asingan, Pangasinan noong Agosto 2 taong kasalukuyan.
Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Trece Martires City Police Station ang apat na suspek upang harapin ang kasong isasampa laban sa kanila. (Koi Laura)