Advertisers
ARESTADO ang kapatid ng aktres na si Kim Chiu na si Lakambini “Lakam” Chiu kaugnay ng kasong qualified theft.
Dinakip si Lakambini, 45 anyos, ng mga tauhan ng Quezon City Police District 4:06 ng hapon ng Sabado, Setyembre 19, sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84.
Nakatakda sa P5.838 mil-yon ang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang commitment order ng korte.
Nahaharap si Lakambini sa 124 counts ng qualified theft, na isinampa mismo ng aktres, kaugnay ng umano’y mga withdrawal at online transfer mula sa corporate funds ng House of Little Bunny Philippines Inc., ang negosyo ng magkapatid.
Batay sa prosecution resolution, umaabot sa halos P44.4 milyon ang kabuuang halagang sangkot sa mga transaksyong iniugnay sa reklamo.
Nauna nang sinabi ng abogado ni Lakambini na nalulungkot ang kanyang kli-yente sa desisyon ng aktres na ituloy ang kaso, nguni’t umaasa parin itong maaa-ring maresolba ang usapin sa loob ng pamilya. Iginiit din ng kanyang kampo na haharapin niya ang mga paratang sa tamang proseso ng batas.
Ang pagsasampa ng kaso ay hindi nangangahulugang na-patunayan na ang pana-nagutan ni Lakambini. Pagpapasyahan pa ito ng hukuman matapos ang paglilitis.