Advertisers

Advertisers

Binata naghatid sa kasintahan pisak ang ulo sa gulong ng trak sa Cainta!

0 5

Advertisers

PATAY ang isang 21-anyos na lalaking naghatid sa kasintahan nang magulungan ng huling gulong ng trak ang ulo nito sa kahabaan ng A. Bonifacio Ave., Brgy., San Roque, Cainta, Rizal kamakalawa ng madaling araw.



Sa naantalang ulat ng Cainta PNP, dakong 1:00 ng madaling araw nangyari ang kalunos-lunos na insidente habang papauwi ang biktima makaraang ihatid ang kasintahan.

Ayon kay P/Lt. Julius Ortega ng Cainta PNP kita sa CCTV nabangga ng biktimang rider ang isang tumatawid na naka-bisikleta dahilan upang mawalan siya ng balanse at matumba sa kalsada.



Lumilitaw din sa imbestigasyon, lumagpas na ng bahagya ang truck sa motorsiklo kaya posibleng hindi agad napansin ng drayber ang pagtaob ng biktima sa likuran nito at hindi na naiwasang magulungan ng huling gulong ang ulo ng biktima.

Hawak na ng pulisya ang 47- anyos na drayber na nakatakdang kasuhan ng reckless Imprudence Resulting to Homicide. (Edwin Moreno)