Advertisers

Advertisers

COMELEC CHIEF GARCIA, TARGET ANG DEC. 19 PARA SA BATANES SPECIAL POLLS

0 4

Advertisers

NAGPATAWAG si Commission on Elections Chairman George Garcia ng emergency meeting sa mga field officials upang talakayin ang pagsasagawa ng special elections sa Batanes.



Ito ay kaugnay ng pagpanaw ni Batanes Congressman Rep. Ciriaco Gato, Jr., nitong September 21 dahil sa cardiac arrest.

“Kailangan po may special election nang hindi maaga sa 60 araw at hindi hihigit ng 90 araw mula po kahapon. Kung matutuloy ang BSKE sa November 2, baka po kayanin. Kaya lang wala pa 60 days,” ani Garcia, sabay paliwanag na ang required 60-day period ay maaring di pa nagla-lapse sa panahong iyon.

Ayon kay Garcia, malamang na sa December 19 ganapin ang special election. Ito umano ang petsa na pasok sa required ng Supreme Court para sa pagsasagawa ng special election upang punuan ang congressional vacancy.

“Sa December 19 more or less namin gaganapin ang special election. Ang 90 days kasi is on December 21 (The special election will be held on December 19 as 90 days is on December 21),” ani Garcia sa interview.

“Since the congressman passed away yesterday, the 90-day period would expire on or around December 21,” dagdag pa niya.

Ayon kay Garcia, hindi kailangan ng Comelec ng formal declaration mula sa Kongreso upang kilalanin ang isang vacancy o magsagawa ng special election, dahil ang Comelec ay may Constitutional mandate na magsagawa ng halalan kapag may pwestong nababakante. (JERRY S. TAN)