Advertisers

Advertisers

Lani may sweet message kay Bong sa kaarawan nito

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi lang basta birthday greeting ang inialay ni Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla sa kanyang asawang si Bong Revilla na nagdiwang ng ika-60 kaarawan nitong Setyembre 25.

Sa social media, nagbahagi si Lani ng ilang sweet na larawan nila ni Bong at sinabayan ito ng isang makahulugang mensahe para sa asawang matagal na niyang katuwang sa buhay.



“It’s a special day for the one who has given my life so much meaning. Through every challenge and every triumph, there’s no one I’d rather be with,” saad ni Lani.

Hindi rin nakalimutan ni Lani na pasalamatan si Bong sa iba’t ibang papel nito sa kanyang buhay—hindi lamang bilang asawa kundi bilang mentor at katuwang niya sa lahat ng pinagdaanan nila.



“Thank you Ramon Bong Revilla, Jr. for being my mentor, my partner, and my constant. I’m grateful for all our years together and for the many more that are still ahead of us,” dagdag pa niya.

Sa huli, ipinagdasal ni Lani ang patuloy na paggabay, kapayapaan at lakas para kay Bong habang ipinagdiriwang nito ang kanyang milestone birthday.



“May God continue to bless you with peace and strength as you celebrate your 60th birthday. I love you, Papa!”

Jolo, naging sandalan din ng pamilya

Sa gitna naman ng personal na pagbati ni Lani, patuloy ding napapansin ang pagiging magkakapit-bisig ng pamilya Revilla sa mga pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan.

Noong Enero, nagpahayag din si Jolo Revilla matapos ang boluntaryong pagsuko ng kanyang ama sa mga awtoridad kaugnay ng arrest warrant na may kinalaman sa alegasyon ng ghost flood control project.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Jolo na pinili ng kanyang ama na harapin ang mga alegasyon at dumaan sa proseso ng batas.

Ipinahayag din niya ang tiwala ng kanilang pamilya sa due process, accountability at fairness, habang nanawagan sa publiko at media na hayaang umusad ang proseso ng hustisya.

Sa kabila ng mga hamon, ipinakita naman ni Lani sa kanyang birthday message na nananatili ang kanyang pagmamahal at suporta sa asawang si Bong sa pagpasok nito sa edad na 60.