Advertisers

Advertisers

OKS si Paeng 2!

0 36

Advertisers

Isa pang interesanteng kwento ni Paeng Nepomuceno nang maging espesyal na panauhin sa programang OKS kamakailan ay hinggil sa lolo niyang tinaguriang Ama ng Pelikulang Pilipino.

Apo si Paeng ni Jose Nepomuceno na unang gumawa ng isang lokal na movie, Dalagang Bukid. Silent film ito at bida si Atang de la Rama noong 1919.

“Proud apo ako ni Lolo Jose,” pagmamalaki ni Paeng.



Ang Nepomuceno Productions din ang nagprodyus ng mga FAMAS award winning film na Dahil Sa Isang Bulaklak at ang Igorota noong dekada 60.

Marami rin nag-alok sa kanya maging artista at pulitiko pero sadyang hindi siya interesado. Ayaw daw niya sa showbiz at pulitika.



Nasa Guinness Book of World Records si Paeng dahil nagkampeon siya sa World Cup ng apat na ulit. Una sa edad na 19 taong 1976 sa Teheran, Iran. Sinundan yan noong 1980 sa Jakarta sa Indonesia, 1992 sa Le Mans, France at 1996 sa Belfast, Northern Ireland. Nasungkit niya ang mga titulo sa tatlong iba-ibang dekada.

Pinakabata na kinoronahan na World Cup champion at tanging naging 4x king ng torneo.



Bukod diyan may dalawa pa siyang nasungkit na kampeonato. Yung 1984 World Invitational Tournament at 1999 World Tenpin Masters.

Tapos nakaginto rin siya Asian Games at ilang beses sa SEA Games.

“Nag-aral ako sa La Salle ng elementary at high school,” wika ng 4x World Cup champ.

Nagkolehoyo naman siya sa Adamson University.

Tumayong coach ni Paeng ang ama na si Angel. Bagama’t nagsimula sa larong golf ay pinagtiyagaan din siya turuan ng tatay niya sa bowling.

“Kung wala si Pappy ay wala rin ako sa mundo ng bowling, siya ang susi sa tagumpay ko, ” eka ng 69 na taon pambato natin sa partikular na sport.

Si Angel Nepomuceno rin ay naging coach nina Bong Coo at iba pa nating matitinik na bowler.

Nagpapasalamat tayo kay Susie Nepomuceno ,ang nakababatang kapatid ni Paeng sa pag- arrange ng ating panayam na ito. Si Susie na isang cancer survivor ay manedyer ng mga Paeng’s Bowling Center.

***

Kakalugmok na naolat si Carlo Paalam aa isang mahipit na bakbakan kontra sa isa Hapon. 2- 3 ang score ng judges.

Minamalas pa rin ang boxing sa Asiad. 16 na taon na tayo walang ginto.

Ang huli ay noon pang 2010 sa Guangzhou nang naghari sa flyweight si Rey Saludar.

***

Bagama’t malungkot na naka-bronze lamang si Alex Eala sa Nagoya Asian Games ay masaya tayo sa balita na dalawang WTA nq palaro ang gaganapin sa Pinas sa 2027.

Ayon sq Phil Tennis Association (PHILTA) una ang Philippine Open sa Enero na 125 WTA at isa pa sa Nobyembre na WTA 250 naman.

Tiyak paborito manalo dito si Alex at lalong titindi ang Eala mania sa Manila.