Advertisers
Apat na ginto, siyam na pilak at labing-anim na tanso. Sa kabuuan ay dalawampu’t siyam na medalya yan ng Pilipinas sa katatatapos na Asian Games sa Nagoya.
Bale ika-17 tayo sa talaan.
Siyempre China una. Pangalawa at pangatlo ang Japan at South Korea.
Daig tayo ng tatlong bansa sa South East Asia. Pampito ang Thailand, panglabing-isa ang Malaysia at panglabing-anim ang Indonesia.
Sinasabing pinakamaraming karangalan na napanalunan ng mga Pinoy sa Asiad mula noong 1966 sa Bangkok. Noon may 2 gold, 15 silver at 25 na bronze tayo. Ika-10 tayo sa listahan kung saan hindi pa nasali ang Red China. Tanging Iran lang sumasali sa mgq taga- Middle East.
Best finish natin nang tayo ang host taong 1954. May 14, 14 at 17 na G-S-B at pangalawa tayo sa Japan.
Kahit ipinagmamalaki ang performance sa Nagoya ay dapat tandaan na ito pinakamalaki nating delegasyon mula ng 1994 Asian Games. Mas mababa rin ito sa inaasahan na mga podium-finish..
Nagpadala tayo sa Aichi ng 464 na atleta at 289 na mga opisyal, coach at staff.
Sayang kasi ang talo sa finals ni Carlo Paalam sa boksing. Nadaig siya ng isang Hapon sa mahigpit na bakbakan.
Gayon din ang hindi pag- abot sa battle for 1st place ni Alex Eala sa tennis kahit siya ang top seed.
Mas higit din ang expectation sa combat sports gaya ng wrestling, taekwondo at jujitsu. Patuloy naman ang malas sa sport ni Manny Pacquiao.
Pero talagang ganoon. Parang hudyat ng kapalaran ang maagang pag-eliminate sa Gilas na sorpresang naghari noong 2023. Dapat pagbutihin sa susunod.
Alamin ng maaga ang mga may malaking potensyal na manlalaro.
Pagkalooban ng sapat na training at exposure. Bantayan din ang kumpetisyon.
On to Doha, Qatar 2030 (posible ding maurong sa 2031! Bago na pangulo natin noon. Tingnan natin kung prayoridad niya ang sports.
***
Karamihan sa ating mga sikat na atleta ay nagkaroon ng malaking kontrobersya.
Ke si Manny Pacquiao o EJ Obiena o Carlos Yulo ay nabalot sa sigalot ang pangalan. Kakambal na yan ng kanilang popularidad.
Si Pacquiao sa mga chicababe niya. Si Yulo sa mga magulang at si Obiena ay sa kanyang NSA na PATAFA umikot ang gusot.
Itong si Alex Eala na lang ang wholesome pa ang image. Sana kung dumating man ang problema sa ating tennis ace ay malampasan niya.
***
Bronny James o Dalton Knecht? Yan ang itinuturing na naglalaban para sa huling slot ng LA Lakers.
Sabay ang sila napunta sa purple and gold na team. Si Dalton 17th pick samantalang si Bronny 55th pick taong 2024.
Isang three point specialist at isang anak ni LeBron.
Sino pipiliin mo? Yun bang bumaba ang shooting percentage o yung iniwan ng ama sa koponan.
Kay Tata Selo mas may value si Knecht na maaaring bumalik pa confidence sa pagbuslo kung bibigyan muli ng pagkakataon ng coach.