Advertisers

Advertisers

NBI bineberipika pa mga alegasyon ni Gracioso kay ex-Sprk. Velasco

0 35

Advertisers

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) na patuloy ang kanilang pag-iimbestiga sa mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso, Jr. laban kay ex-Speaker Lord Velasco.
Ibinahagi ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, na kasalukuyan pang bineberipika ng kawanihan ang mga paratang ni Gracioso.
Bagama’t sumailalim na sa dalawang ‘lie detector test’ si Gracioso, iginiit ng direktor na hindi ito sapat kaya’t tuloy-tuloy parin ang kanilang imbestigasyon.
Una aniyang tinututukan ng kanilang ‘investigation team’ ang masuri at ma-validate ang ‘claim’ ni Gracioso sa relasyon nito kay Velasco at asawa nitong si Rowena.
Ayon sa direktor, nakumpirma na ng NBI ang ilan sa mga binabanggit ni Gracioso na ‘cash houses’.
Dalawa sa pitong sinasabing ‘cash houses’ ay na-validate at na-establish aniya ng NBI na pagmamay-ari ng mag-asawang Velasco.
Sinabi ni Matibag na inamin ni Rowena na pagmamay-ari nila ang bahay sa Sampaguita at Champaca Street.
Bukod pa rito’y nagbanggit din ng iba pang impormasyon ang direktor na aniya’y nagpapakita na posibleng may katotohanan ang mga salaysay ni Gracioso lalo na patungkol sa mga binanggit na ‘assets’.