Advertisers
BUMILIS ang antas ng inflation ng Pilipinas noong nakaraang buwan ng Setyembre 2026, kung saan pumutol sa apat na buwang sunud-sunod na pagbagal ng inflation sa bansa.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, malaking dahilan ang mas mabilis na pagtaas ng halaga ng pagkain at utility cost sa nasabing panahon.
Sa ulat ng National Statistics umakyat ang antas ng inflation sa 7.2% noong nakaraang buwan, mula sa 6.1% noong Agosto 2026.
Dahil dito, umabot ang average na antas ng inflation mula ng magsimula ang taon hanggang kasalukuyan sa 5.4%, na nananatiling mas mataas kaysa sa target na 2% hanggang 4% ng pamahalaan.