Advertisers

Advertisers

Gary V, nilinaw: ‘There’s no agenda’ sa panayam kay Marcos Jr.

0 23

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi raw pulitika ang pakay ni Gary Valenciano sa mahigit dalawang oras niyang pakikipagkuwentuhan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa espesyal na episode ng Unshaken With Gary V: Stories of Grit and Grace.

Sa halip na karaniwang presidential interview na nakasentro sa mga isyung pulitikal at trabaho sa gobyerno, mas personal na usapan ang mapapanood sa episode na ipalalabas ngayong Lunes, Oktubre 5, alas-12 ng tanghali sa YouTube at iba pang podcast platforms.



Dinala pa ni Gary ang Pangulo sa kanyang personal music studio at “mancave,” isang maliit na lugar kung saan siya gumagawa at nagpo-produce ng musika.

Dito umiikot ang konsepto ng Unshaken—ang pagkilala sa tao sa likod ng isang kilalang pangalan, kabilang ang kanyang pamilya, pinagdaanan, mga pagsubok, pananampalataya, kabiguan at mga bagay na nagbibigay sa kanya ng lakas.



Dahil dito, agad ding nilinaw ni Gary ang layunin ng panayam matapos makatanggap ng magkakaibang reaksiyon mula sa netizens bago ang pagpapalabas ng episode.

“There’s no agenda in this. It’s just stories from the person and not the politician,” ani Gary.



Ipinaliwanag din ng OPM icon na hindi niya tinitingnan ang sarili bilang isang interviewer na may listahan lamang ng mga tanong. Mas nais niyang makilala ang kanyang mga bisita bilang mga ordinaryong taong may kani-kanilang kuwento sa likod ng kanilang public image.

“Person. I like saying that word. Person. He stands for something else that also begins with a ‘P’ but today, we’ll speak about the person. Most people know the name before they know the man. Behind every public figure is a private story,” pahayag niya.

Sa pamamagitan ng Unshaken, unti-unting nakilala si Gary hindi lang bilang mang-aawit at performer kundi bilang host na marunong makinig at humukay sa mas personal na kuwento ng kanyang mga panauhin.

Isa rin itong malaking milestone para kay Gary dahil siya ang unang Filipino artist na nanguna sa isang original podcast project ng iHeartMedia. Sa loob lamang ng 19 na linggo, umabot na sa mahigit 30,000 subscribers ang Unshaken With Gary V.