Advertisers

Advertisers

Operasyon ng POGO tuluy-tuloy kahit ipinagbabawal na

0 30

Advertisers

TULOY-TULOY parin ang operasyon ng illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa ilang bahagi ng bansa sa kabila ng ikinasang pagbabawal dito.
Ibinunyag ni dating Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na gumagamit ngayon ang mga operator ng ibang taktika para maiwasan ang mga awtoridad.
Sa pagsasalita sa isang forum sa Quezon City, isiniwalat ni Casio na hindi ganap na nabuwag ng October 2025 prohibition ang offshore gaming networks.
Sa pagtatantya ni Casio, may libo-libong indibiduwal na naka-ugnay sa POGO operations ang nananatiling nasa Metro Manila at kalapit lalawigan, idagdag pa na marami na ang lumipat mula sa large compounds at nga-yon ay nag-o-operate sa mas maliit na lokasyon gaya ng condominium units.
Kinuwestiyon din ni Casio ang ibinibigay ng gobyerno na visa-free at visa-on-arrival arrangements para sa Chinese nationals, sabay sabing da-pat rebisahin kung ang polisiya ay exploited ng mga indibiduwal na sangkot sa illegal offshore gaming activities.
Nagbabala si Casio sa usapin na labas na sa illegal gambling, tinukoy ang nag-uugnay sa human trafficking, online scams, at national security concerns.
Nagpahayag din ng pag-aalala si Casio ukol sa bogus na birth certificates na inilabas sa foreign nationals, inalala na may 1,500 questionable records ang nakumpirma bago pa siya umalis sa PAOCC, habang lbo-libo ang nananatiling sumasailalim sa masusing pagrerepaso.
Gayundin, iginiit ni Casio na ang korapsyon ay nananatiling ‘key factor’ sa patuloy na presensiya ng illegal POGO operations.
At sa nalalapit na halalan, nagpahayag ng pag-aalala si Casio na maaaring gamitin ng offshore gaming groups ang kanilang resources para mapalakas ang kanilang political influence.
Idinagdag pa niya na may ilang operators ang ni-rebrand ang kanilang mga negosyo bilang business process outsourcing (BPO) firms, technology companies, o lending agencies upang maiwasan ang pagsisiyasat.
Hinikayat naman ni Casio ang mga awtoridad at local government units na panatilihin ang crackdown o paglansag, sabay sabing ang patuloy na pagkakatuklas sa pinaghihinalaang POGO-linked operations ay nagpapakita na ang problema ay hindi pa tuluyang nawawalis.