Advertisers

Advertisers

PSG, BINARIL ANG MISIS SA KAPITOLYO TUNGKOL SA SUPORTA SA MGA ANAK!

0 31

Advertisers

ANTIPOLO CITY, RIZAL — Nilalapatan ng lunas ang babaeng si alyas “Lyn” ng barilin ito ng kanyang mister na miyembro ng Provincial Security Group (PSG) sa loob ng compound ng Rizal Provincial Government Huwebes ng umaga, Oktubre 22.

Ayon sa ulat, nag-usap ang mag-asawa sa tanggapan sa kapitolyo tungkol sa napagkasunduang tulong para sa kanilang mga anak mula sa DSWD.

Pagkatapos ng usapan, bumalik ang lalaki sa kanyang puwesto sa tapat ng Ynares Center gate bago nito inilabas ang kanyang baril at binaril ang kanyang asawa.



Agad na isinugod ang biktima sa ospital para gamutin.

Inaresto naman ng mga pulis ang suspek at nakuha ang baril na ginamit sa insidente. Inihain laban sa kanya ang kasong frustrated murder, at patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad para malaman ang buong detalye ng pangyayari. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">