Advertisers

Advertisers

Bea Binene, malaking bagay sa kanyang career ang tambalan nila ni Wilbert Ross

0 23

Advertisers

Ni Camille Guarin

Inamin ng aktres na si Bea Binene na malaking bagay sa kanyang showbiz career ang tambalan nila ng aktor na si Wilbert Ross, o mas kilala bilang WilBea, na naging bahagi ng kanyang mga tagumpay sa industriya.

Sa panayam sa YouTube channel ng broadcast journalist na si DJ Chacha, ibinahagi ni Bea ang kahalagahan ng kanilang partnership ni Wilbert, hindi lamang bilang magka-love team kundi bilang magka-trabaho rin.



Tanong ni DJ Chacha, “Sino ba si Wilbert Ross sa buhay mo? If you can just give one word kung sino siya sa buhay mo ngayon, sino siya?”

Sagot ni Bea, “He’s a partner. Dahil sa work also, he’s someone na as in talagang naging partner din talaga. As in kumbaga, ito yung sinasabi kong I’m thankful for this last year and this year. Parang itong success and everything na ano, malaking bagay naman talaga yung WilBea yung love team.”



Korek ka diyan, Bea! Iba talaga kapag may ka-love team na katuwang sa trabaho at tagumpay.

‘Yun na.



——-

Nagbabalik ang nag-iisang Kabayan Noli de Castro para sa isa na namang gabi na puno ng misteryo at lagim ngayong panahon ng Undas sa ABS-CBN News horror special na “Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim” sa darating na Oktubre 31 (Sabado) sa free TV, ABS-CBN News online platforms, at iWant.

Sa ikawalong edisyon, hatid muli ng “Kababalaghan” ang mga kwentong nakakikilabot na naganap sa iba’t ibang tahanan sa Metro Manila, na nasaksihan mismo ng mga nakatira rito at ang ilang pangitain ay nakunan pa sa kamera.

Para sa unang feature nitong “Bulong,” dadalhin ni Kabayan ang mga manonood sa isang lumang bahay na tinutuluyan ng isang pamilya, ilang henerasyon na rin ang nakalipas. Sa salaysay rin ng mga nabubuhay nitong miyembro, pare-parehas nilang naririnig ang mga misteryosong bulong na tila may pinahihiwatig sa kanila, habang nagpapakita rin ang mga masasamang elemento na minsa’y duguan pa.

Samantala sa kuwento nitong “Upuan,” bibisita ang programa sa isang bahay sa Taguig City na nakunan sa CCTV ang isang upuan na bigla na lang lumutang at initsa sa tabi. Nabanggit ng pamilyang nakatira rito na may matandang puno na nakapalibot sa kanilang bahay na pinaghihinalaang pugad ng masasamang elemento.

Tampok naman sa “Bahay ni Tiya” ang isang pinaglumaang bahay ng isang kaanak, na pinababantayan ngayon sa pamilya ni Mich. Mapayapa pa noong una silang nanirahan sa ground floor ng bahay. Pero nag-iba ang lahat nang tinuluyan din nila ang ikalawang palapag nito na tambak ng pinaglumaang kagamitan. Tumindi ang takot nina Mich matapos niyang i-post online ang video ng bahay at may makitang nakapangingilabot na mga imahe rito ang netizens.

Abangan ang mga katakot-takot na kuwentong ito sa “Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim” ngayong Oktubre 31, 6:45 PM sa ABS-CBN News YouTube channel, at 10:30 PM sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.