Advertisers

Advertisers

Donbelle, lihim na nagkikita

0 24

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Ayon sa isang psychic, naba-vibes daw niya tuloy pa rin daw ang relasyon ng tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Katunayan, kung magkahiwalay daw ang love team partners sa ngayon, ito raw ay isang bagay na pinag-usapan at pinagplanuhan nila.



Ang kanila raw paghihiwalay ng landas ay may kinalaman din sa kanilang mga karera.

Maaaring paghahanda rin daw ito sa plano ng kanilang network na itambal sila sa ibang love teams.



Puwede rin daw itong bahagi ng exploration nila as solo artists.

Dagdag pa niya, bet daw naman talaga ng dalawa na maging tahimik lang ang kanilang relasyon bagamat feeling niya ay patuloy pa ring nagkikita ang dalawa.



Hirit pa niya, basa raw niya ay more than friends na ang status ng relasyon ng dalawa.

Magiging struggle raw naman sa DonBelle ang gumawa ng pangalan outside of their partnership.

***
Senate committee, tinalakay ang dalawang panukala para sa pagpapalakas ng MTRCB

Tinalakay ng Senate Committee on Public Information and Mass Media nitong Miyerkules ang dalawang panukalang batas na nagsusulong ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Charter para sa modernisasyon nito.

Pinangunahan ni MTRCB Chair at CEO Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio ang Ahensiya sa isang pagdinig nitong 21 Oktubre 2026, sa ilalim ng pangangasiwa ni Senador Robinhood Padilla, ang chair ng Senate panel.

Sina Senador Vicente Sotto III at Jinggoy Estrada ang naghain sa Senate Bills Nos. (SBN) 445 at 878.

Nagpasalamat ang MTRCB Chair sa komite sa pagtalakay sa mga panukalang sumusuporta sa age-appropriate classification at responsableng panonood.

“Cognizant of developments in the digital realm, we shall always remain responsive to the call of the times as public officials and civil servants who made a vow to serve with integrity, accountability and responsibility,” dagdag ni Sotto.

Inihain ang dalawang batas noong Agosto 2026. Ang SBN 445 ay nais patatagin ang mandato, kakayahan at organizational structure ng MTRCB, habang ang SBN 878 naman ay nais lumikha ng retained income fund para sa Ahensiya.

Matatandaan na ang MTRCB ay itinaguyod noong 1985 sa bisa ng Presidential Decree (PD) No. 1986. Walang naging pagpapalawig ng mandato o responsibilidad ng Ahensiya mula noon.

Ipinaliwanag ni Sotto na ang polisiya ng MTRCB ay hindi para sa censorship, ngunit para sa responsableng regulation ng industriya ng pelikula at telebisyon.

“Aming nire-reiterate na ang MTRCB ay naniniwala sa regulation, at hindi po prohibition,” sabi niya.

Iminungkahi rin ni Sotto na ang 30 porsiyento ng kita ng Ahensiya ang gawing retained income fund, sa halip ng orihinal na 50 porsiyento sa panukala ni Estrada. Ang retained income fund ay gagamitin para sa mga gastos ng MTRCB sa unang tatlong buwan ng bawat taon.

“Naniniwala po kami sa prudence and the very good use of funds,” sabi ni Sotto. Dagdag niya, nais ng MTRCB na sundin palagi ang utilization standard na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM).

Binanggit niya ang mga consistent unmodified opinion na iginawad ng Commission on Audit (COA), na nagsasabing makatarungan at tumpak na naipakita ng MTRCB ang kalagayang pampinansiyal, mga resulta ng operasyon, cash flows at iba pang mahahalagang financial information alinsunod sa mga angkop na accounting at auditing standard ng pamahalaan.

May limang panukalang batas na naglalayong palakasin ang mandato, kakayahan at organizational structure ng MTRCB na nakasalang sa House Committee on Public Information.