Advertisers

Advertisers

Farm to market road sa Nueva Ecija naka-coordinate sa karagatan ng Benham Rise

0 30

Advertisers

IMINUNGKAHI ng People’s Budget Coalition na imbestigahan ang mga farm-to-market road (FMR) projects na nakapaloob sa panukalang 2027 National Budget matapos matukoy ang mga proyektong may kuwestiyonableng coordinates.

Sa pagdinig ng Senate Finance Committee, inilahad ni coalition co-convenor Kenneth Abante ang ilang proyektong aniya ay may lokasyong hindi tugma sa kanilang inilaan na lugar.

Kabilang dito ang P23-milyong proyekto sa Nueva Ecija na may coordinates sa Benham Rise, P30-milyong kalsada sa Cebu na tumuturo sa Celebes Sea, at P55-milyong proyekto sa Quezon Province na may coordinates malapit sa karagatan ng Brunei.



Bukod dito, sinabi ni Abante ang 355 farm-to-market road projects na nagkakahalaga ng P6 bilyon na aniya ay mga insertion at hindi kasama sa orihinal na National Expenditure Program (NEP).

Ayon pa sa kanya, umabot sa 7,054 ang mga proyektong umano’y idinagdag ng Kamara, na may kabuuang halagang P190 bilyon.



Sa naturang halaga, tinatayang P15 bilyon ang inilaan sa farm-to-market road at irrigation projects, na ayon sa grupo ay kulang sa kinakailangang dokumentasyon.

Dahil sa mga natuklasan, nagbabala si Abante sa posibilidad ng panibagong kontrobersiya sa mga proyektong pang-imprastraktura.



“We might have a Flood Control Scandal Season 2,” pahayag niya.

Wala pang opisyal na tugon ang House of Representatives sa mga alegasyong inilahad ni Abante.