Advertisers

Advertisers

Binigyan ng 1 week para sumuko…DILG: P50 MILYON SA ULO NI BATO!

0 33

Advertisers

INANUNSYO ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang P50 milyong pabuya para sa sinumang magbibigay ng impormasyon upang mahuli si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa isang press briefing, nagbabala rin si Remulla na maituturing na armado at mapanganib si Dela Rosa.

Ang pagtugis kay Dela Rosa ay may kinalaman sa warrant of arrest na inihain laban sa senador ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity kaugnay ng brutal na “war on drugs” ng nakaraang administrasyong Duterte kungsaan nagsilbing PNP Chief ang senador.



Matatandaang sinabi ni Remulla na may negosasyon sa pagitan ng gobyerno at sa mga umano’y nagkakanlong kay Dela Rosa at ayaw nilang pilitin na hulihin ang senador dahil sa dami umano ng magbubuwis ng buhay.

Samantala, nagbigay si Philippine National Police (PNP) chief PGeneral Jose Melencio Nartatez Jr ng isang linggong ultimatum kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa para ito ay sumuko.



Sa buwan kasi ng Nobyembre ay mag-iisang taon na ang pagpapalabas ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crime against humanity sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan siya ay dating PNP chief.

Paglilinaw din Nartatez na kahit aniya walang mga itinakdang reward ay tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagtugis sa puganteng senador.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">