Advertisers

Advertisers

Chris Cahilig, Darling of the Press; Archie Rivas, Darling ng Darling of the Press

0 27

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Kinilala bilang Darling of the Press ang bagong manager ni Bea Alonzo na si Chris Cahilig sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies.

Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Chris sa Philippine Movie Press Club (PMPC) at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya sa industriya.



Ani Chris, “DARLING OF THE PRESS!

“Una sa lahat, maraming salamat sa buong PMPC!



“Napakahaba na ng ating pinagsamahan, at ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa aking trabaho, kundi patunay rin ng ating malalim at matibay na pagkakaibigan. Sa lahat ng miyembro ng PMPC, noon at ngayon, taos-puso akong nagpapasalamat.

“Noong college ako, lagi kong pinapanood sa TV ang Star Awards for Movies. At lagi akong curious—ano nga ba ang pakiramdam na maging Darling of the Press?



“Sa mahabang panahon ng aking career sa public relations, aaminin kong ilang beses ko ring pinangarap ang tropeyong ito. At ngayong hawak ko na, mas matamis pala talaga ang isang pangarap kapag matagal mo itong hinintay.

“Maraming salamat sa aking Insight 360, Sphere, Radar.ph, at Wishbone families sa patuloy na suporta.

“Kay Vincent Co ng Puregold at Bea Alonzo, salamat sa tiwala sa aking kakayahan. Kay Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Jenny, at Lyle, na kasama ko sa hirap at ginhawa, salamat sa pagsuporta sa aking mga proyekto at adbokasiya.

“Sa aking pamilya, lalo na sa aking mga magulang na sina Papa Ananias at Nanay Sylvia, salamat sa pagtuturo sa akin na sa lahat ng tagumpay na maaari nating marating, ang pagiging mabuting tao pa rin ang pinakamataas na karangalan.

“At siyempre, sa aking kabiyak na si Archie Rivas—salamat sa pagmamahal at sa pagiging katuwang ko sa lahat. Babe, ikaw ang darling ng darling of the press!

“Muli, PMPC, maraming salamat. I will always treasure this honor!”

Congratulations, Chris, at sa darling ng Darling of the Press na si Archie Rivas.