Advertisers

Advertisers

PNP wala pang inilalabas na wanted poster ni Sen. Bato

0 30

Advertisers

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na wala pa umanong inilalabas na wanted poster ni Senador Ronald Dela Rosa at pinag-aaralan pa umano kung kailangan ito sa hinaharap

Ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co, maglalabas lang umano sila ng wanted poster kung kinakailangan at makatutulong sa isinasagawang manhunt operation para sa agarang pagkakadakip sa Senador.

“We do not see any need for now. Kasi unang-una, sino bang hindi nakakakilala sa itsura ni Senator Bato?” paliwanag ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co sa isang press briefing.



Tumanggi naman si Co na magbigay ng mga karagdagang detalye o impormasyon hinggil sa mga isinasagawang mga operation laban sa Senador upang hindi umano ito makompromiso.

Ipinagtanggol naman ni Co ang pag-classification kay Dela Rosa bilang “armed and dangerous” dahil mayroon itong itinatagong 90 mga iba’t ibang uri ng mga baril.



“He is armed, he has more than 90 firearms still with him and yung dangerouss categorization, there is propensity for him to evade arrest and as can been seen antagal na natin hinahanap, antagal na lumabas yung warrant and he is evading arrest,” saad ni Co.

Si Dela Rosa na dating PNP Chief ay wanted sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crime against humanity kaungay ng madugong kampanya kontra illegal na droga noong administration ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">