Advertisers

Advertisers

P10k per gram na ang shabu sa Davao

0 22

Advertisers

WINIDRO ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang 15 bank representatives sa kanilang witness list.

Sabi ng prosecution, ang ginawa ng depensa ay “to prevent firther disaster.”

Kasi nga ang mga naunang testigo na iniharap ng depensa ay nagkalat lamang, lalo lang nagdiin kay VP Sara sa impeachment case nito.



Napakahirap naman talaga kasi pasubalian ang mga nagdudumilat na resibo ng katiwalian ng Pangalawang Pangulo.

Katulad lamang ng mga rekord ng bangko at Anti-Money Laundering Council (AMLC). Paano ito kokontrahin ng mga testigo e mismo ang depositors at nagwidro ang may gawa nito. Nirerekord lamang ng bangko, na siya namang nagpapadala ng datus sa AMLC.



Tama lang iwidro ng depensa ang 15 bank representatives sa witness list or else lalo lang madidiin si Sara. Mismo!

Maging ang mga abogado ngang testigo nila ay nagkakandautal sa cross examination ng prosecution. Ang mga nasasabi nalang nila ay: “Hindi ko po maalala”. Yawa!



Sa mga pagwidro sa mga testigo, mapapadali o mapapaiksi ang trial na ito. Tingin ko ay mangyayari ang paghuhukom bago mag-PASKO!

The end is near for Inday lustay!

***

Sabi ng PDEA Davao, sobrang taas na ng bentahan ng shabu sa lungsod. Umaabot na raw sa P10,000 ang isang gramo, pinakamataas na presyo sa buong bansa.

Ito raw ay dahil kinukulang na ang suplay ng droga, bunga ng mga pagkakasabat o pagkakahuli ng mga shipment mula sa iba’t ibang bansa partikular mula Laos.

Kamakailan lang ay magkasunod na nahuli ang higit P3.5 billion at P1.3b na halaga ng shabu sa Laos na ibibiyahe sana sa Pilipinas, kungsaan nabuking na ang mga nasa likod nito ay kaalyado at kaibigan ng Duterte sa politika sa Mindanao.

Lumilinaw tuloy na ang war on drugs ng nakaraang Duterte administration ay para lamang sa mga kalaban sa politika at sindikato sa droga. Mismo!

Remember Michael Yang, Sammy Uy, Charlie Tan, Peter Lim, mga tinaguriang drug lords na labas-pasok noon sa tanggapan ni Digong Duterte sa Malakanyang.

Natatandaan n’yo rin ba na ilang convicted drug lords noon ang pinalaya ni noo’y Bureau of Correction (BuCor) Director Ronald “Bato” Dela Rosa. I-Google n’yo lang.

Kaya naniniwala ako sa sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes na “peke” ang war on drugs ni Digong. Mismo!

***

Ramdam na ng kampo Duterte na mapapatalsik si VP Sara at mahaharap sa maraming kaso ng katiwalian sa Sandiganbayan. Kaya naman unti-unti na nilang isinusulong ang may mga tattoo sa katawan hanggang leeg na utol ni Sara na si Davao City Mayor Baste para presidente sa 2028.

Kung ikaw ay matinong Pinoy, gugustuhin mo ba magkaroon ng pangulo na puros tattoo at hikaw sa ilong at tainga? Ewan!