Advertisers
WALANG natukoy na kongresista kung sino ang nagsingit ng dalawang beses na badyet para flood control program na nabuko ni Senador Panfilo Lacson sa 2027 national budget.
Ayon kay Lacson, hindi pa man humuhupa ang galit ng publiko sa mga maanomalyang flood control project, may natuklasan na namang iregularidad sa panukalang 2027 budget: dobleng alokasyon para sa ilang flood control project.
Pahayag ng senador, isusulong niyang alisin ang mga doble o maging maramihang alokasyon sa proyekto sa pagtalakay ng Senado sa panukalang budget at, kung kinakailangan, sa bicameral conference committee.
Sinabi ni Lacson na bukod pa ito sa hindi bababa sa 30 ‘ghost’ multi-purpose building (MPB) na nakita sa panukalang budget, na isusulong din niyang alisin.
Noong weekend, binatikos ni Lacson ang mga alokasyon para sa 3,950 MPB, na hiwalay pa sa 1,584 MPB na saklaw ng Financial Assistance to Local Government Units (LGU) subprogram ng Local Government Support Fund (LGSF) mula 2022 hanggang 2026.
Binanggit niya ang hindi bababa sa isang kaso kung saan nabigyan na ng alokasyon ang ilang MPB sa mga nakaraang taon, kabilang ang 2024, 2025 at 2026, ngunit wala pa ring naitayong istruktura sa mga itinakdang lokasyon hanggang ngayong 2026.
“Ang na-flag ng team namin at least 30 kung saan saang sulok ng Pilipinas,” aniya.
Batay sa mga paunang natuklasan, sinabi ni Lacson na may mga “commission” din sa mga MPB, bagaman hindi ito kasinglaki ng nakukuha sa mga flood control project.
Ayon sa senador, maaaring umabot sa 10 porsiyento ang “standard” commission sa mga MPB. Sa mga naunang pahayag ngayong taon, binanggit ni Lacson ang 15 hanggang 30 porsiyentong kickback para sa mga nagmumungkahi ng mga maanomal-yang flood control pro- ject.
Sa ngayon, patuloy na sinusuri ni Lacson at ng kanyang staff ang panukalang budget upang matukoy ang mga kahina-hinalang alokasyon at maisulong ang pagtanggal ng mga ito sa panukala.