Advertisers

Advertisers

ANDREA BRILLANTES DALAWANG LINGGONG HINDI NAGPAKITA SA PAMILYA AT MGA KAIBIGAN

0 16

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

May mabigat na pinagdadaanan ang karakter ni Andrea Brillantes sa pelikulang Laya.

Kaya para ma-internalize niya ang kanyang papel ay two weeks na hindi nagpakita at nakipag-usap si Andrea sa kanyang pamilya at mga close friends.



“Iyon nga, bilang isang bubbly and animated na karakter, as a person nahirapan po ako talaga kaya ang ginawa ko po, in-isolate ko po yung sarili ko sa family and friends ko.

“Gumamit po ako ng parang dumb phone, ng second phone tapos yung main phone ko pinatabi ko talaga sa PA [personal assistant] ko, sabi ko, ‘Bawal kong makita iyan.’



“Ayokong maging updated sa buhay ng mga kaibigan ko, bawal silang makakonek sa akin.

“Two weeks na wala akong alam. Tapos ano pa iyon, October po ba yun o September, e laging may birthday pag October, di ba?



“So laging… wala ako sa birthday ng mga friends ko. “Kinailangan ko po iyong gawin kasi magkaibang-magkaiba ang buhay ni Andrea at ni Sab.

“Si Andrea nakukuha niya iyong… naga-ground siya ng mga kaibigan niya. “Nakakakuha siya ng ligaya sa mga activities na ginagawa niya sa life niya.

“Pero si Sab nakakulong lang po kasi siya sa anger niya, wala po siya talagang kaibigan, mag-isa lang si Sab.

“And alam ko the moment na mag-reconnect agad ako sa friends ko, sasaya agad ako.

“Mawawala agad ako sa koneksyon na ginagawa ko kay Sab, kaya nilayo ko po talaga yung Andrea Brillantes, yung bubbly tapos yung pagiging fabulous ko, lahat ng iyan tinanggal ko po talaga kasi mabigat yung dala ni Sab.

“At feeling ko para ma-portray ko iyon sa big screen kailangan talagang maramdaman ko siya from within.

“At alam ko, I think alam ng mga co-actors ko, ng director ko na miss na miss ko yung mga friends ko. Grabe ang lungkot-lungkot naman ng ganito.

“Masaya ako dahil sa kanila, dahil lang po sa kanila,” pagtukoy ng aktres sa mga kasama niya sa Cebu habang nagsu-shoot sila ng Laya, “buti po talaga ang light atmosphere kami sa set kasi medyo nalulungkot po talaga ako, medyo totoo na yung lungkot ko.”

Lead male actor si JC Santos bilang si Tuki sa Laya, at ang pelikula ay sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo, mula sa Rein Entertainment at palabas sa mga sinehan ngayong November 25.