Advertisers

Advertisers

9.8M pamilyang Pinoy itinuturing mahirap ang sarili – OCTA

0 19

Advertisers

AABOT sa 9.8 milyong pamilyang Pilipino, o katumbas ng 37% ng mga respondent, ang nagsabing itinuturing nilang mahirap ang kanilang sarili sa ikatlong kuwarter ng 2026, batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research.

Ayon sa OCTA, hindi nagkaroon ng makabuluhang pagbabago ang naturang bilang kumpara sa ikalawang kuwarter ng taon, kung kailan nasa 39% o humigit-kumulang 10.3 milyong pamilya ang nagsabing sila ay mahirap. Pasok pa rin ito sa ±3% margin of error ng survey.

Samantala, hindi naman matukoy ng 42% ng mga respondent kung sila ay mahirap o hindi, habang 21% naman ang nagsabing hindi nila itinuturing na mahirap ang kanilang sarili.



Ipinakita rin sa Tugon ng Masa non-commissioned survey na pinakamataas ang bilang ng mga pamilyang nagsasabing mahirap sila sa Mindanao, na umabot sa 56%.

Sinundan ito ng Visayas na may 49%, Balance Luzon o mga bahagi ng Luzon na hindi kabilang ang Metro Manila na may 26%, at National Capital Region (NCR) na may 20%.



Isinagawa ang survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4 sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,200 lalaki at babaeng nasa hustong gulang.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">