Advertisers

Advertisers

Sitwasyon ng Pinoy health care workers sa Amerika pinasisilip sa DFA

0 231

Advertisers

UMAPELA si BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co sa Department of Foreign Affairs na tingnan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga Filipino health care frontliner at iba pang manggagawang Pilipino sa Estados Unidos.
Partikular na pinasisilip ni Co sa DFA ay ang occupational health and safety ng naturang mga manggagawa.
Sa gitna ito ng mga ulat ng shortage o kakulangan ng personal protective equipment sa Amerika na nauuwi na sa pagrarasyon.
Diin ni Co, libong Filipino nurses, doctors, at iba pang health care professionals ang may mahalagang papel ngayon sa US health care system na nahaharap din sa COVID-19 pandemic.
Dapat din aniya ay maipaabot ng ating DFA sa US government ang panawagan para sa equitable na distribusyon ng COVID-19 vaccine sa Asian-American kabilang na ang Filipino community. (Henry Padilla)