Advertisers

Advertisers

‘MECQ’ POSIBLE ‘PAG TUMAAS PA ANG COVID CASES!

0 538

Advertisers

POSIBLENG muling ipatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa bansa kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng covid-19.
Ayon kay Dr. Tes Herbosa, consultant ng National Task Force Against Covid-19, kung hindi mapipigilan ang pagsipa ng covid cases ay hihina ang health care system at hindi na kakayanin ng mga ospital na gamutin ang mga pasyente.
Dahil dito, kinakailangan umanong muling maghigpit at isailalim sa MECQ ang mga lugar na may mataas na bilang ng covid cases.
“Usually babalik tayo sa MECQ kapag napuno ang ating mga ospital at mga temporary treatment facilities.” “When hospitals are full, more people may die because they cannot treat them. They are waiting in line for admission,” ani Dr. Herbosa.
Nitong Sabado ay nakapagtala ng 5,000 new cases, at inihayag na rin ng ibang ospital sa Metro Manila na lagpas na sa full capacity ang kanilang mga hospital beds na nakalaan sa covid patients.
Ilang local government units na ang nagpatupad ng localized lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng covid-19. (Jonah Mallari)