Advertisers

Advertisers

COVID-19 utilization ‘low risk’ pa, pero ICU beds napupuno na – DOH

0 311

Advertisers

ITINUTURING pang low risk ang utilization rate ng mga dedicated COVID-19 beds sa bansa.
Sinabi ni Dr. Beverly Ho, Director IV ng DOH-Health Promotion Bureau sa virtual media forum na nasa 35% ang utilization rate gayunman, tumataas naman aniya ang bilang ng okupadong Intensive care unit o ICU beds para sa COVID-19 patients.
Sa National Capital Region (NCR) kung saan may naitatalang pagtaas ng kaso ng sakit ay nakikita na nasa 49% lamang ang utilization rate.
Nasa 65% o moderate risk ang ICU beds, at 38% ang ginagamit na mechanical ventilators.
Habang nasa 47% naman ang utilization rate sa dedicated beds sa Central Visayas at 49% ang kama sa ICU.
Ang utilization rate o paggamit naman ng kama sa Davao region ay 33% at 52% na ang ICU beds.
Samantala, ang Cordillera region ang may pinakamatas na utilization rate na nasa 56% sa dedicate beds at 71% sa ICU beds.
“We cannot just be complacent about the numbers because the ICU beds are slowly being filled up and its always a percentage of the number of cases,” ayon pa kay Dr. Ho.
Aniya habang tumataas ang total cases at mababa ang nagiging serious, ito pa rin ay nagbibigay ng porsyento sa mga kaso. (Jocelyn Domenden)