Advertisers

Advertisers

Dingdong humihirit ng 2 pa anak, Marian hanggang 1 na lang ang kaya

0 323

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NGAYON hindi tumanggap ng anumang showbiz commitments si Marian Rivera dahil sa hindi niya kakayanin ang malayo nang matagal sa kanyang asawa at mga anak pag naglock-in taping, marami sa followers nila ng mister niyang si Dingdong Dantes ay umaasang madadagdagan na ang dalawang anak nila, sina Zia at Sixto. Kung matatandaan bago ikasal ang dalawa ay open sila na magkaroon ng malaking pamilya, biro pa nga ni Marian, isang basketball team daw ang gusto nilang maging anak.

Ngayon stay home lang ang kanyang byuti, may chance kaya na madagdagan pa ang kanilang anak?



“Kung hiling at hiling din lang at pagbibigyan ako, sabi ko gusto ko pa magkaroon ng isa pang anak. One more,” ani Marian.

Ano naman kaya ang say ng mister sa hiling ni Marian? Keri pa ba niyang ituloy ang unang balak na magkaroon ng isang malaking pamilya?



“Actually gusto ni Dingdong dalawa pa. Sabi ko, ‘No, dad. Matanda na ako. One last na lang.’ One, one, one,” dagdag pang tugon ni Marian.

Hindi rin isinasantabi ni Marian ang pagbabalik sa showbiz at say nga ng aktres pag bumuti na ang kalagayan sa bansa ay balik-serye na raw ulit siya.



“Actually, dapat nga may gagawin ako kaso kailangan naka-lock-in. Sabi ko talaga sa GMA, ‘Naku, sorry talaga. Hindi ko talaga kaya na mag-lock-in ng ganyan tapos nagpapadede pa ako kay Sixto.’ So sabi ko malabo talaga. After ng lahat ng ‘to, for sure babalik at babalik ako sa soap,” say pa ni Marian.

***

MARAMI sa mga followers ng komedyanang si Tuesday Vargas ang walang takot na ipinost ang isang larawan na suot niyaay isang two-piece bikini at kitang-kita mula sa kanyang likuran ang sangkaterbang tattoo.

Marami ang humanga sa tapang ni Tuesday na magpatattoo at tadtad pa ito sa kanyang likuran at mga kamay.

Kwento naman ni Tuesday na ang naturang larawan daw ay kuha nang makatuwaan nila ng kanyang mga staff na magswimming sa Balesin kung saan ginanap ang isang kasalan na may kaugnayan sa kanyang bisnis kung bakit andun sila.

May nagtanong din kay Tuesday kung bakit marami siyang tattoo at anong kaligayahan ang naidudulot nito sa kanya?

“Representation ito ng iba’t ibang motif ng mga bansa na aking napuntahan.

When I travelled, naghahanap ako ng iba’t ibang symbols ganyan. Usually around Asia: may Japanese, may Indonesian, may Chinese,” say ni Tuesday.

Inamin din ng komedyana na edad 23 palang siya nang unang magbiyahe sa labas ng bansa at ang unang Asian country na kanyang nabisita ay ang Thailand at sa bansa rin ito siyang unang nagpattoo sa katawan.

Sa ngayon ay mapapanood si Tuesday sa Sunday noontime show ng GMA-7, ang “All Out Sunday” na regular cast siya sa comedy skit portion ng naturang show.