Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAIKUWENTO ni Sophie Albert ang kanyang pinagdaanan sa pagiging isang bagong mommy. Nandoong ma-depress daw siya dahil sa dami ng bagay na hindi niya magawa dahil preggy siya.
“I did get depressed at some point when I was pregnant. My routine, like being able to work out. I was so active before I got pregnant. I couldn`t do that anymore. There were just so many things that I couldn`t do,” say ni Sophie.
Nang isilang niya si Avianna last March 15 via C-section ay nagkaroon daw ito ng tubig sa baga kaya pinasok daw ito sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU).
“It was whole night na I couldn`t see her. So pinilit ko talaga to stand up and to be able to go down to the NICU. I was in so much pain. My BP went so low. I almost fainted. They had to carry me with the stretcher back to my bed,” say pa ni Sophie.
Pero pinilit ni Sophie na magpalakas para sa anak nila ni Vin Abrenica
“I feel more empowered as a mom now. And we really try to make this whole parenthood journey fun. I feel so much love for her that I never thought I would feel for anyone. Even as I say it, parang naiiyak ako kasi I love her so much.”
Samantala, isa rin daw sa naging `biktima` ni Derek Ramsay si Sophie na naging dyowa rin daw ng actor noong magkasama or under pa sila sa management ng TV 5.
Tulad ng nagiging dyowa raw ng actor na matapos ng ilang buwan ay nagkahiwalay. Ang dahilan, wala kaming alam.
Well, if totoo ay silang dalawa lang ang puwedeng magkumpirma.
***
‘Di pagkasama ni Rabiya Mateo sa Top 10 ikinagulat ng Pinoy
MARAMI ang nadismaya sa hindi pagkakasama ni Rabiya Mateo sa Top 10 sa ginanap na Miss Universe Beauty Pageant last May 17 ng umaga.
Kung tutuusin nga raw ay puwede pa rin mapasama sa final 5 ang ating representative sa 2020 Miss UNiverse.
Pero nang ipinakita na ang mga hurado ng Miss Universe ay hindi na rin nagtaka ang karamihan, Kung bakit hindi namin alam.
Natalo man ang ating representative sa Miss Universe ay proud pa rin ang mga Pinoy kay Rabiya dahil ipinakita nito ang galing sa pagrampa at pag-emote sa stage, bukod pa sa tunay na matalino.
Sabi nga ay puwede pa rin lumaban ni Rabiya sa mga susunod na beauty contest. At kapag nangyari yun ay siguradong alam na alam na niya ang gagawin.
Hindi man nanalo ay isang karangalan na ring napasama sa Top 21 candidates si Rabiya.