Advertisers

Advertisers

Sey mo Janine… Sanya binuking, feel dyowain si Rayver; Juday inayawan ang role na napunta kay Jodi, ‘di type ang lock-in taping

0 234

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

AYAW nang sagutin ni Judy Ann Santos kung talaga raw ba ini-offer sa kanya ang Doctor Foster bago inihayag ng ABS-CBN na si Jodi Sta Maria na ang gagawa nito.

Sa naging panayam ni G3 San Diego kay Juday ay diretsahang tinanong nga siya kung totoo inalok sa kanya ang project.



“Alam mo, I  don`t  know if  I have to answer  that  question, kasi I don`t  want  to be unfair  kay Jodi and at the same time, parang gusto ko ring maghintay sa management  if  they`re gonna  answer  that,” nakangiting sagot ni Juday.

If  ever  ay hindi naman daw niya talaga magagawa ang project at masaya siya si Jodi ang napiling gumawa.



“Happy ako na it  was Jodi  who`s  doing  Dr. Foster. Oo, oo  Ako rin naman,  if  ever  hindi ko rin  naman talaga siya  magagawa  kasi takot  nga  ako  lumabas. More than anything,”  aniya.

Ayaw kasi malayo ni Juday sa kanyang pamilya bukod pa sa takot siya maglalabas kaya hindi siya tumatanggap ng bubble taping.



“But  it`s  (Dr Foster)  a  very, very  good  material. It`s  a good project,” say pa ni Juday. Pero aminado si Juday nami-miss na niya ang acting pero sadyang  hindi siya tumatanggap ngayon ng project because of the pandemic. Hindi rin daw niya kaya ang lock-in taping na malayo sa pamilya.

***

INAMIN ni Sanya Lopez na bukod kina Alden Richards at Gabby Concepcion ay gusto rin niyang dyowain si Rayver Cruz.

Sa Sarap Di Ba? Bahay Edition ay sumabak  si  Sanya sa Jojowain  o  Totropahin Challenge with Casey Legaspi.

Ang unang pangalang binanggit  agad ni Casey ay si Alden kaya nag-react  agad si Sanya na, `Agad? Hindi mo man lang pinanghuli?”  Agad din naman sinabi ni Sanya na pang-jowa talaga si Alden.

“Nakasama ko na yan before sa Encantadia. Doon kami parang unang pinagsama. Napakabait na tao niyan grabe. Feeling ko siya ay pangjowa,” say ni Sanya.

Dagdag pa ni Sanya, deserve raw ni Alden ang mga natatanggap na blessing dahil sobrang bait talaga ng actor.

Nang banggitin naman ang pangalan ni Rayver ay hindi na naitago ni Sanya na crush na crush niya ang actor.

“Si  Rayver Cruz, bata pa lang ako talagang  pag napapanood ko na siya sumayaw, grabe crush na crush ko si Rayver.”

Nang pangalan na ni Gabby ang binanggit ni Casey ay may kilig na nakita sa mukha nina Sanya at Casey.

“Si Mr Gabby Concepcion, nakilala  ko siya na parang formal, yun ang  first  impression ko sa kanya. Sobrang formal, parang hindi mo siya mawi-win,  ganun`g  klaseng  tao. Napakaseryosong  actor,  ganu`n  yung pagkakakilala ko sa kanya,” say ni Sanya.

Unti-unti lang daw niya nakilala nang husto si Gabby nang magsimula na ang lock-in taping nila ng First Yaya.

“Doon ko siya nakilala and kung gaano siya kabait,  kung gaano siya  ka-professional,” aniya.

Singit  naman ni Casey, “and sweet” na sinang-ayunan  kaagad ni Sanya.

Kaya sabi ni Sanya ay jojowain si Gabby na may kasamang kilig.

Samantalang marami pa rin ang nagtatanong kung totoo raw ba na hindi pa nagka-boyfriend si Sanya?

***

Rita Daniela nominadong Best Actress sa Manhattan

Hindi naitago ni Rita Daniela ang sobrang kasiyahan sa nakuha niyang first  international  nomination sa 11th International Film Festival Manhattan in New York.

Nominated ang Kapuso actress sa Best Actress category para sa pelikulang “ In The Name of the Mother.”

“Im so happy! Naiyak ako sa tuwa at gulat sa news na yun. Masarap  pala  talaga sa  pakiramdam that people would  appreciate  your  hard  work. Tears of  joy, because that  is my first  nomination outside of  our  country. That alone is  enough for me,” say ni Rita nang ma-interview  ng GMANetwork.com

Sa same catogery ay nominado rin ang kasama ni Rita sa movie na si Snooky Serna. Karangalan ng bansa na kahit sino sa kanila ang magwagi sa nasabing awards night.

Ang maganda pa ay nominado rin ang director na kanilang movie na si Joel Lamangan sa Best Director Feature category.

Samantala, malapit nang mapanood si Rita sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Ang Dalawang Ikaw kasama si Ken Chan.