Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MALAPIT nang makilala ng Kapuso viewers ang makukulay na mga karakter sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’
Mas naging kaabang-abang ang serye dahil sa ipinost ng lead actor na si Ken Chan na larawan sa kanyang Facebook page bilang karakter niya na si Tyler, ang alter ego ni Nelson. Ito ang dalawang personalidad na gagampanan ng Kapuso actor sa serye dahil sa sakit na dissociative identity disorder.
Lalong na-excite at na-curious ang fans kung paano ang magiging atake at pagganap ni Ken sa mga karakter na ito.
Samantala, nagsimula noong Lunes (Mayo 24) ang huling cycle ng lock-in taping ng cast sa Bataan. Makakatambal ni Ken sa programa ang ka-loveteam na si Rita Daniela.
Abangan ang ‘Ang Dalawang Ikaw’ sa GMA Afternoon Prime, soon!
***
Cast ng Legal Wives, balik lock-in taping na
Balik lock-in taping na ang cast and crew ng inaabangang cultural drama series ng GMA Network na ‘Legal Wives’ nitong Miyerkules, May 26.
Sa behind-the-scene photos ng kanilang unang araw ng pagbabalik-taping ay makikita na sinimulan muna ito ng team ng isang dasal. Matapos nito ay sumabak na sa kanilang eksena ang mga bida na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Andrea Torres.
Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na si Ismael (Dennis) na may tatlong magkakaibang babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan.
Si Diane (Andrea), isang Kristiyanong mamahalin ni Ismael at magiging pangalawang asawa nito; Amirah (Alice), ang unang asawa; at Farrah (Bianca), ang pinakabatang asawa.
Kasalukuyang nagte-taping sa isang resort sa Laguna ang cast ng Legal Wives.