Advertisers
NAHULI-CAM ang trahediya sa Dasmariñas, Cavite nang tumama sa isang lalaki at isang buntis ang gulong na kumalas sa tumayakbong trak.
Kinilala ang nasawi na si Ariel De Guzman, habang isinugod sa ospital ang sugatang buntis na si Gerlyn Catronuevo.
Sa kuha ng CCTV, nag-uusap ang dalawa sa nakaparadang jeep nang tumama sa kanila ang gulong.
Nakipagkasundo na ang kompanyang may-ari ng trak sa pamilya ng mga biktima.