Advertisers

Advertisers

2 dalagita nagsaoli ng module, dinukot?

0 206

Advertisers

BAGAMA’T hindi pa kumpirmado ng mga awtoridad ang nangyari sa dalawang dalagita na kapwa 15-anyos na tatlong araw nang nawawala ay naniniwala ang kanilang pamilya na dinukot ang mga ito sa Cagayan.

Ang dalawang dalagita ay sina Josephine Manuel, mag-aaral ng Gattaran National Trade School; at April Mae Oñate, estudyante ng Calaoagan Dakkel National High School; kapwa residente ng Barangay Palagao Norte ng naturang bayan.

Ayon kay Jaymar Manuel, nakatatandang kapatid ni Josephine, Hunyo 4, 2021 nang magpaalam ang magkaibigan na dadalhin nila sa kanilang paaralan ang kanilang modules, subali’t hanggang sa gumabi ay hindi ito nakabalik sa kanilang tahanan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">