Kung kelan daw tumanda… Fans nagulantang sa pagdila ni Sharon sa dibdib ni Marco; Jessy dinenay na nagparetoke ng boobs
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MALOKA-loka si Jessy Mendiola na pati cup size ng kanyang boobs ay may mga netizen na interesadong malaman.
Ayon sa vlog ni Jessy, ang kabuuan ng kanyang vital statistics ay 34-25-38 na minsan umaabot ng 26 ang kanyang waist pag siya ay busog.
Pero ang ikinaloka ni Jessy Y nang may nagtanong na netizen kung true ba ang kanyang dibdib.
Sabay pindot sa kanyang boobs at sabay sabi na totoo nga raw ang kanyang boobs at never itong dumaan sa isang breast augmentation.
Paglilinaw pa ng aktres ay grabe na nga raw bigat ng boobs niya kaya hindi na nito kailangan magpadagdag pa.
At kahit nga ang kanyang ilong ay may netizens na nagtatanong kung retoke ba ito.
Muling pinabulaanan ng esmi ni Luis Manzano na wala isa man sa parte ng kanyang katawan ang kanyang ipinaretoke.
***
FIRST time nga lang daw ginawa ni Sharon Cuneta ang mapangahas na role sa Revirginized.
Shocking galore ang mga fans ni Sharon nang makita nila ang idolo na labas na ang cleavage.
Dagdag pa sa nagpangilabot sa kanila ay ng pag-shot ng tequila ni Sharon.
At ang talagang ikinaloka nila ay ang pagdila ni Megastar sa dibdib ng kanyang batang leading man na si Marco Gumabao.
Gulat at nanibago naman ang fans ni Sharon na sa dami na nga raw ng pelikulang ginawa nito ay dito nga lang sila nasagwaan.
May mga netizen na nagsasabi na bakit pumayag si Sharon na gawin ang pelikula na kung kailan daw tumanda ay saka nagpaka-daring.
Pero naniniwala ang mga fans na for art’s sake lalabas ang beach party na ‘yun na parte ng film.
Well, well, well…’Yun na!