Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,249 bagong kaso; 7,053 gumaling; 128 nasawi

0 453

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 5,249 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Hunyo 21.

Samantala ay mayroon namang naitalang 7,053 na gumaling at 128 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (55,847) ang aktibong kaso, 94.2% (1,284,643) na ang gumaling, at 1.74% (23,749) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 19, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.80% sa lahat ng samples na naitest at 0.71% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">