Advertisers

Advertisers

Mga IP lider sa Surigao namumuhi sa ‘Makabayan Bloc’

0 245

Advertisers

INIHAYAG ng mga lider ng mga tribu o Indigenous People (IP) ng Surigao ang kanilang labis na pagkamuhi sa mga “kasinungalingang ipinakakalat” ng mga miyembro ng ‘Makabayan Bloc’ sa Kongreso hinggil sa huling insidente ng pagkakapatay sa tatlo nilang katribu na pinilit na isinali bilang mandirigma ng komunistang-teroristang New People’s Army.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes (June 21, 2021) pinangunahan ni Datu Constancio Duhac, ang lider ng IP sa Lianga, Surigao del Sur, ang paghayag na pawang kasinungalingan lamang ang ikinakalat na mga balita ng Makabayan Bloc at mga kaalyado nitong organisasyon gaya ng Save Our School (SOS) Network hinggil sa pangyayari at nakikiusap ito na irespeto naman ang kanilang tribu at ang sarili nitong pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente na nakapaloob sa Republic Act 8371 o ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA) ng1997.

“Dapat na irespeto naman ang Tribal Council ng Lianga. Hindi kami dapat maipit dito,”‘ sabi ni Datu Duhac na pinatutukuyan ang pangingialam ng Makabayan Bloc at ng SOS Network sa pangyayari, gayong ang mga biktima ay sapilitang dinukot at pilit na ginawang mandirigma ng NPA kaya napaslang sa engkwentro sa mga militar noong June 15, 2021 sa Barangay Datagan sa Lianga.



Pinabulaanan ni Duhac ang mga ulat na ang mga labi ng mga napaslang ay binaboy pa ng militar.

Si Datu Alexander Bucales, ang pumalit sa nakakatanda nitong kapatid na si Datu Jamar na pinaslang din ng mga NPA sa pagtutol nito sa mga gusto ng mga komunistang-terorista, ay nanawagan din sa mga nagpapakalat ng maling balita sa pangyayari.



“Mayroon kaming sariling imbestigasyon ayon sa aming mga tradisyon at mga nakagawian – ang Surigao Province Tribal Council. Respetuhin niyo naman ang aming mga customary laws. Hindi kami mga appointed na Datu ng CPP-NPA,” paliwanag ni Datu Bucales.

Dagdag pa niya: “Tinatawagan namin lalo na ang Save Our School Network, si Chad Booc, na itigil na ang mis-information. Kami ang namatayan.” Tinukoy ni Bucales na ang nasabing organisasyon at ang Makabayan Bloc ang nagtutulong-tulong para mapagtakpan ang mga kasalanan sa lipunan ng CPP-NPA-NDF at paalisin ang mga militar sa kanilang lugar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">