Dahil kapwa nasa lock-in tapings… Tom at Carla sa zoom na lang inaayos ang detalye ng kasal sa Oktubre; Nadine ‘friendly dates’ na lang sa ex-labs na si James
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TULOY ang kasalan sa Oktubre nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, kahit pa sabihing may pandemya pa rin sa bansa at kahit pa nasa lock-in taping ang dalawa
Si Tom para sa serye nila nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith na “The World Between Us” samantalang nasa kasagsagan din ng taping si Carla para naman sa serye nila nina Rocco Nacino at Max Collins, ang ‘To Have and To Hold’. Kaya maraming katanungan ngayon ang followers ng dalawa kung sino ang mamamahala sa nalalapit nilang wedding? Sunud-sunuran na lang ba sina Carla at Tom sa ipagagawa ng mamamahala sa kasal nila?
“Zoom meeting kami, while Carla is in talks with our wedding coordinator, since Carla is in locked-in taping of To Have and To Hold at the same time, so we have to do everything remotely. So buti na lang we have a great team,” say ni Tom.
Kahit in touch pa rin ang dalawa sa kanilang wedding coordinator ay aminado si Tom na hindi ganun kadali ang gumawa ng isang mahalagang event sa buhay nila ni Carla thru virtual meeting.
“I know how hard it is. Sa akin naman, ang requirement ko nandoon lang ako, e. Ako ‘yung katabi. Support ako, siyempre, para may participation. ‘Pag kailangan ng mga decision na which one is better. Matapang na ako dun,” ani pa ni Tom.
Dagdag pa ni Tom, tuloy pa rin ang theme ng kanilang kasal, ayon sa napagkasunduan nila ng soon to be misis na si Carla, ito ay ang mga kulay na white, gold and a hint of black.
Isang simple pero eleganteng kasalan ang napagplanuhan ng couple Tom at kanilang wedding coordinator.
***
SA ngayon ay pinanatili na muna ni Nadine Lustre na ‘wag nang magsalita nang anupaman na may kaugnayan sa legal na usapin sa pagitan niya at ng Viva Entertainment.
May mga kaso nang nadesisyunan pero tulad ng dapat na asahan ay may apela. At para kay Nadine, hahayaan na lang niya ang kanyang abogado ang mamahala ng may kinalaman sa kanyang legal na pakikipaglaban. As in, no comment na lang muna ang byuti niya.
Naging parte ng buhay ni Nadine ang aktor na si James Reid, naging on and off ang kanilang relasyon hanggang dumating sa puntong hiwalayan blues na talaga ang dalawa. Pero hindi rin nakakaligtas sa mata ng publiko na kahit wala na silang dalawa ay nakikita pa rin silang magkasama at sweet sa isa’t isa. Kumusta na ba talaga ang relasyon nila ngayon ni James, are they into a relationship or not?
“We have supported each other immensely. We are so close pa rin. I guess it is best not to put a line on to it. We’re happy. We’re supporting each other. I think wala ng better answer than that,” say ni Nadine.
So masasabing friendly date lang talaga pag magkasama sila ng dating boypren?
“He’s just pushing me. He’s actually the one lining up all the projects for me which I am really grateful for. I wouldn’t have done it without him, to be honest,” dagdag na say pa ni Nadine.