Advertisers

Advertisers

Pinas pangalawa sa pinakamababang iskor sa COVID-19 response

0 187

Advertisers

PUMAPANGALAWA ang Pilipinas sa pinakamababang iskor pagdating sa katatagan sa COVID-19 response nito.

Lumalabas sa isang pag-aaral ng Bloomberg’s covid resilience ranking, nasa ika-52 pwesto ang Pilipinas sa kabuuang 53 bansa.

Pinakamababa ang Argentina na may iskor na 37 at sinundan ito ng Pilipinas sa iskor na 45.3.



Ikinukunsidera sa naturang pag-aaral ang porsyento ng populasyon na nabakunahan na, pagpapatupad ng mga lockdown, kapasidad ng mga byaheng panghimpapawid, one-month case fatality rate at total deaths sa kada 1 milyong katao at positivity rate.

Nakakuha ng pinakamataas na resiliency rate na 76 ang Estados Unidos, sinundan ng New Zealand na may iskor na 73.7, Switzerland at Israel na mayroong 72.9 at France na may 72.8. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">