Advertisers
NAKAHANDA si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa anumang imbestigasyon matapos na ituro siya ni Senator Manny Pacquiao na opisina na mayroong grabeng nangyayaring korapsyon.
Ayon kay Duque, na mula pa noon ay naging transparent ito at siya ay tumutugon sa anumang audit na ginagawa ng gobyerno.
Ikinalungkot naman nito ang nasabing alegasyon ng isang opisyal ng gobyerno.
Subalit tiniyak ng kalihim na bukas siya sa anumang imbestigasyon at ipapakita nito kung saan napunta ang mga perang inutang para ipambili ng bakuna.
Giit pa nito na nagagamit sa tama ang lahat ng pondo ng gobyerno.
Matatandaang isa ang DOH na unang itinuro ni Pacquiao na may nagaganap na korapsyon matapos na hamunin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kaniya ang opisina na may grabeng katiwalian ang nagaganap.