Advertisers
NAGPAHAPYAW si Senator Richard Gordon na nag-usap sila ni Bise Presidente Leni Robredo para sa posibleng tambalan sa 2022 National Elections.
Hindi naman idinetalye pa ni Gordon ang napag-usapan nila ni Robredo.
Duda si Gordon kung siya ay papayagan ng Bise Presidenteng magsalita ng iba pang detalye, ngunit isa lang aniya ang sigurado ay nagkausap sila nuong nakaraang Linggo.
Aminado si Gordon na tungkol sa posibleng tambalan sa 2022 elections ang kanilang napag-usapan dahil aniya lalabas at lalabas din umano ito sa balita. (Josephine Patricio)