Advertisers
Ni JULIET PACOT
TAKOT ang peg ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola kaya ayaw muna nilang magkaanak habang may pandemya sa buong mundo.
Inaalala kasi nila ang magiging kinabukasan ng mga bata kung patuloy na lalaganap ang virus na madaling kumitil sa buhay ng mga tao.
“We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies.
“Wallpaper niya right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” kuwento ni Luis.
Habang magulo ang mundo sanhi ng pandemya, isip to death naman ang mag-asawa dahil marami na silang pinagpipilian na magiging pangalan ng first baby nila kung sakali.
May napagkasunduan na silang ipapangalan sa kanilang supling—Emma o Ocean kung babae, at Luke kung lalaki.
Paliwanag ni Luis, “When we hear the name Emma, naiisip namin yung tisay na naka-pigtails, tapos ang pula-pula ng cheeks.
“Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea…
“Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky and also a bit of a Star Wars thing.”
Isa sa mga palayaw ni Luis ay Lucky. Ang tawag sa kanya ng malalapit na kaibigan ay Lu, o Lulu.
Si Luke Skywalker ang pangunahing tauhan sa orig na Star Wars trilogy. Nasa plano na ni Luis ang mga unang gagawin niya post-pandemic.
“I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel,” lahad ni Luis.
Limang taon na ang relasyon nina Luis at Jessy noong Hunyo 25.
Ipinagdiwang nila iyon sa The Farm at San Benito sa Brgy. Tipakan, Lipa, Batangas. Sa nasabing resort sila ikinasal noong Pebrero 21, 2021.
Noong Hunyo 29, nag-vlog si Jessy sa The Farm kaugnay sa “Questions I’ve Never Asked My Husband.”
Naitanong ni Jessy sa asawa, “What physical features of mine do you hope our kids will get, too?”
Mabilis na tugon ni Luis, “Lahat!”
Sundot ni Jessy, aling feature ang pinakagusto ni Luis na makuha sa kanya ng mga magiging anak nila.
“Mukha. Complexion, eyes, lips. Ni hindi maaarawan yung batang ‘yon,” pagbibiro pa ni Luis.
“Ang unang boyfriend nun, mangyayari, hindi pag 30 years old; pag 40, hindi. Mangyayari unang boyfriend niya pag agaw-buhay na siya!”
“Grabe,” sambit ni Jessy, na seryosong hirit ni Luis, “Oo.”
Natatawang saad ni Jessy, “Kawawa naman ang magiging anak natin.”
Napakapraktikal na kunsiderasyon ang concern nina Luis at Jessy sa pagbuo ng pamilya. Bale, after the pandemic na lang.
Ngayon, malamang nasa ASAP Natin ‘To bubble si Luis. In-advance ang ASAP taping bago mag-hard ECQ lockdown na naman this weekend.
Nakakaawa ang ating sektor. Kumahog talaga.
“We have to admit, there are some na if they don’t go to work, they don’t get paid. Kumbaga, they are very reliant on their income for that particular day, especially at this time na marami nang nawalan ng trabaho o naging unstable ang kanilang pinagkakakitaan,” sabi ni Luis bilang health advocate.
Sa pagtaas na naman ng number of COVID cases, ingat tayong lahat!
Hindi mo maiaalis kina Luis at Jessy ang ganitong pangamba lalo na sa panahon ngayon.
May takot na hindi mabigyan ng proteksiyon ang mga bata, at baka meron pang dumating na mas matindi pa sa pandemyang hinaharap natin ngayon.
Iyan din ang takot ni Paolo Contis nang minsang napag-usapan namin ang mga anak niya. Maliit pa raw si Summer at hindi nga naman masasabi kung ano ang bukas na nakalaan sa mga batang ito, sa mga nangyayari sa atin.
Pero sabi naman niya, hangga’t nandiyan sila ni LJ Reyes na magbibigay proteksiyon sa kanilang mga anak, tuloy lang ang buhay.
Patuloy lang sa pagdarasal at manalig na malagpasan natin ito lahat. Okay rin yung i-enjoy na lang ang kung anong meron at hinaharap natin.