Advertisers

Advertisers

John Lloyd posibleng mainlab kay Andrea ‘pag nagsama sa sitcom

0 222

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HALA, mala-Home Sweetie Home rin pala ang sitcom na gagawin ni John Lloyd Cruz sa GMA-7.

At si Andrea Torres naman ang kanyang magiging leading lady at si Bobot Mortiz naman ang direktor at line producer.



Matataandaan na sa sitcom ng Home Sweet Home nagka-inlaban sina Lloydie at Ellen Adarna.

Nagkatuluyan hanggang magka-anak at si Elias at nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa.



Kaya sitsit ng netizens na hindi naman kaya magka-inlaban if ever sina John Lloyd at Andrea?

Pag nagkataon nga raw ay parang changing partner lang yung ex ni Derek Ramsay ay maging sila ni Lloydie dahil yung ex ni JLC na si Ellen ay na kay Derek na.



Mga hula-hula lang naman ‘yun ng netizens.na may posibilidad na mangyari at if ever at okey lang naman dahil pareho naman silang single.

Well, kumpirmado na nga ayon sa sitsit na sitcom ang peg ni Lloydie sa bakuran ng Kapuso.

Hmmmp, tignan natin!

***

Oyo Boy ibinida ang ika-5 anak nila ni Kristine

DAHIL sa tuwa ay nag-post agad si Oyo Boy Sotto ng kanilang ika-5 anak ni Kristine Hermosa.

August 3 ng 11:47 nang isilang ang pang-five na baby nina Oyo at Kristine.

Binigyan nila ito ng pangalan na Vittorio Isaac Sotto.

Pinasalamatan ni Oyo ang lahat ng nagdasal sa kanyang misis at maluwalhati naman na nakapagsilang ng isang baby boy ang dating aktres.

May sitsit na last na raw si Baby Isaac pero huwag na muna nga raw tuldukan at baka masundan na naman ng another anak.

Blessing kay Oyo ang pagkakaroon muli ng dagdag sa kanilang pamilya.

Happy si Oyo dahil safe na nakapagsilang ng healthy baby boy si Kristine.

Well, well, well…’Yun  na!