Advertisers
SUGATAN ang isang Pinay nang gulpihin at inagawan ng cellphone ng mag-asawang Black American nang bigyan nito ng facemask sa New York sa Amerika nitong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si Potre Rang Samanes, nasa hustong gulang. Nagtamo ito ng mga galos at sugat sa katawan.
Ayon kay Samanes, naganap ang insidente sa isang subway at sakay siya ng train at pasahero din ang mga mag-asawa.
Dahil nagmamalasakit siya na baka mahawaan ito ng virus, binigyan niya ito ng facemask.
Subalit, sa halip na magpasalamat nagalit ang mag-asawa, dahilan upang gulpihin si Samanes at inagawan pa ito ng cellphone.
Bukod sa gulpi, pinagsisigawan pa ito ng mag-asawa na bumalik na lamang ito sa China, na sa pag-aakala na isa siyang Chinese national.
Kaagad namang tumakas ang mag-asawang itim matapos ang insidente. Hinahanap na sila ngayon ng New York Police Department (NYPD).
Nanawagan naman ang Konsulada ng Pilipinas sa mga Pinoy sa New York na maging maingat at mapagmatyag kaugnay ng nagaganap na “Asian Hates Crime” sa naturang bansa.(Lordeth B. Bonilla)