Advertisers
ARESTADO ang isa sa tatlong akusado sa pagpatay sa dating barangay kagawad sa Maragondon, Cavite nang isilbi ang arrest warrant sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, nitong Huwebes.
Sa ulat ng pulisya, inisyu ni Judge Ralph Arellano ng Branch 132 Naic, Cavite ang warrant of arrest laban sa kayArnold Lacañas, 30, ng Blk.15-A Baseco Compound.
Ayon sa report, may kinakaharap si Lacañas na kasong arson, robbery with homicide sa korte nang pagtatagain si Raulito Aquino, 64, noo’y kagawad ng Brgy Bucal 2, Maragondon.
Pagkatapos pagtatagain, sinunog ni Lacanas ang resthouse ni Aquino kungsaan natagpuan ang sunog na katawan ng huli.
Nauna nang sumuko ang kasabwat ni Lacanas na sina Marvin Madugay Rosales ng Brgy. Sapang 2; Mark Kevin Decin ng Brgy. Sapang 2 kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.(J. Domenden)